Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cariaso bagong coach ng Ginebra

KINOMPIRMA ng assistant coach ng San Mig Super Coffee na si Jeffrey Cariaso na siya na ang bagong head coach ng Barangay Ginebra San Miguel.

Ito’y reaksyon sa ulat ng website ng SLAM Magazine Philippines tungkol sa bagay na ito.

Si Cariaso ay isa sa mga may-ari ng  nasabing magasin sa ilalim ng kanyang kompanyang Titanomachy.

Papalitan ni Cariaso si Ato Agustin na ililipat sa San Miguel Beer samantalang ang assistant ni Agustin na si Juno Sauler ay magiging abala sa De La Salle Green Archers sa UAAP.

Katunayan, naging interim coach si Cariaso sa Game 1 ng semifinals ng PBA Commissioner’s Cup noong isang gabi kung saan natalo ang Mixers kontra Air21, 103-100, pagkatapos na patalsikin sa court ang head coach ng San Mig na si Tim Cone dulot ng dalawang technical foul.

“It felt a little bit (like preparation), with the recent events, tapos parang nagkataon na you were given opportunities. It was a good experience. Good test a little bit. Something to look forward to,” wika ni Cariaso na walang karanasan bilang coach bago siya nakuha ni Cone bilang assistant ng San Mig.

Naglaro si Cariaso para sa Alaska, Mobiline, Coca-Cola at Tanduay mula 1995 hanggang 2010 at siya’y Rookie of the Year ng PBA noong 1995.

Idinagdag ni Cariaso na sisipot siya sa ensayo ng Kings sa susunod na linggo ngunit sinigurado niya na tatapusin ang kanyang pagiging assistant coach ng San Mig hanggang sa katapusan ng Commissioner’s Cup.

“This is kinda tricky. I’ll practice (with Ginebra), but right now I’m gonna be with San Mig. We’re gonna finish this conference. We’re gunning for a third straight championship and after that I’ll look forward to my next job,” ani Cariaso.  “I’m here until we’re done. I’ll be here.”

Nalungkot si Cone sa pangyayari.

“We built this B-MEG team. It’s tough losing him,” sambit ni Cone. “On the other hand, I’m very happy for him that he’s been given the oportunity to coach in the PBA and it’s special because it’s Ginebra.”

Nagdesisyon ang Ginebra na sibakin sina Agustin at Sauler pagkatapos na matalo ang Kings sa quarterfinals kontra Talk ‘n Text.          (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …