Saturday , November 16 2024

Mga illegal na Bookies ng karera tuluyan ipatigil at ang ang kaligtasan basketball tournament

Muling lumobo ang bentahan sa takilya ng mga Off-Track-Betting Stations (OTB) ng ipatigil ang mga ILLEGAL BOOKIES sa loob ng Maynila.

Malaking epekto sa sales ng tatlong karerahan dito sa ating bansa kung nag-ooperate ang mga ILLEGAL BOOKIES ng mga kilalang Gambling Lord sa Maynila.

Ang karamihan na mananaya sa karera ng kabayo ay sa illegal bookies tumataya dahil binibigyan ng porsiento ang taya nito.

Ang mga Illegal Bookies ay mapagkakamalang mong LEGAL na parang OTB dahil lantaran ito kung mag-operate na walang takot na mahuli.

Ang mga illegal bookies ng karera ng kabayo ay makikita sa area ng Sampaloc, Pandacan,Malate, Sta. Ana, Ermita at mismo sa tabi ng OTB nagpapatakbo ang mga GAMBLING LORD.

Malaki ang ibinigay ng “TIMBRE” o “LAGAY” sa mga MPD Stations Commander ng mga gambling lord upang hindi mapatigil ang kanilang illegal bookies.

Tuluyan na sanang MAPATIGIL ang mga Illegal Bookies upang gumanda ang “SALES” ng tatlong karera dito sa ating bansa.

KUNG WALANG ILLEGAL BOOKIES TIYAK MALAKING ANG KIKITAIN NG GOBYERNO!

oOo

Maraming mananaya sa mga OTB ang nagugulat dahil nabubulaga sila ng mga “MULTONG” kabayo na biglang nananalo sa sinalihan karera.

Hindi lahat ng mga na-llamadong kabayo ay tiyak ang panalo. Dahil sa hirap ng buhay ngayon at malaki ang gastusin sa mga kuwadra, halos lahat ng horse owner ay gustong manalo.

Ilang Top Favorite ang tinalo ng mga dehadong kabayo dahil gusto ng mga may-ari nito ang maganda dibidendo para sa kanilang panalo.

Kaya Bayang Karerista kung may kursunada kayong DEHADONG KABAYO bakit hindi ninyo isama sa tatayaan ninyo baka sakaling makalusot.

oOo

Isang sinuwerte at isang minalas ang nangyari sa karerahan. Isang horse trainer ang sinuwerte dahil na dagdag ang kanyang aalagang kabayo.

Isang hinete naman ang “MINALAS” dahil na “OUT” siya sa malaking kuwadra na kanyang siniserbisyuhan.

Na O-U-T siya dahil na ipanalo niyang ang kanyang sakay ng hindi inaasahan manalo.

Nagalit daw ang may-ari ng kabayo dahil hindi ito nakataya sa kanyang kabayo ng manalo ito. Gusto ng may-ari na ibababa ito ng grupo ngunit hindi inaasahan manalo ito.

oOo

Malaking tulong sa mga horse owner ang ginawang 2014 Philracom Summer Racing Festival na may added prize ng Philippine Racing Commission.

Ang premyo ng nanalong kabayo ay nakakatulong sa mga nag-asikaso sa kuwadra ng isang horse owner.kas

Sana ay may laging added prizes para sa mga horse owner para kahit kaunti ay makatulong sa kanila.

oOo

Nag-umpisa na ang ANB Kaligtasan Basketball Invitational League “Open Senior Division” noong Abril 27, 2014 na ginanap sa Anak Bayan Basketball Court, Malate Manila.

Pinangunahan ni Konsehal Josie Siscar ng distrito 5 kasama si Businessman Jin Kaneda at Ginoong Roming delos Santos ang organizer ng tournament.

May labing dalawa team ang sumali sa basketball tournament na galing sa iba’t-ibang lugar ng Maynila.

Laging may “Sports” na gagawin dito sa aking nasasakupan upang maiwas sa masamang bisyo ang mga kabataan dito sa aming lugar ayon kay Konsehal Siscar.

Nagpapasalamat din si konsehala sa kanyang mga kaibigan na tumulong upang matuloy ang tournament. Lubos din siyang nagpapasalamat kay businessman Jin Kaneda ng bansang Japan.

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

About hataw tabloid

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *