Tuesday , December 24 2024

Buking si Floyd

TAMA ang kasabihan na ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig.

Habang daldal nang daldal at depensa nang depensa itong si Floyd Mayweather Jr. tungkol sa pag-iwas niya kay Manny Pacquiao—lalo siyang nadidiin.

Kung noong una ay lagi nang may dahilan itong si Floyd para maiwasan si Pacman na hindi nagmumukhang duwag—ngayon ay buking na buking na siya.

Pagkaraang dominahin ni Manny si Timothy Bradley nitong Abril 12, dumakdak na naman ng pagyayabang ang tinaguriang Money ng boksing.   Ayon sa kanya—masyadong amateur ang ipinakita nina Pacquiao at Bradley sa labang iyon.

Puna pa ni Mayweather na malaki na ang ibinaba ng laro ni Manny.  Wala na raw ang dating killer instinct nito.

Masyado na niyang minaliit ang kalidad ni Pacquiao.

Pero nang tanungin ng mamamahayag kung handa na niyang labanan si Pacquiao—gumana na naman ang palusot ng mayabang na boksingero.

Hindi raw niya lalabanan si Pacquiao dahil alaga ito ni Bob Arum na itinuturing niyang kaaway.

Haay buhay.   Kung baga sa kanta—REPEAT REFRAIN lang ang tinurang iyon ni Floyd.   Mukhang wala na siyang maisip na alibi.

oOo

Sa karuwagan ni Floyd,  asar na ang ilang prominenteng tao sa boksing tulad nina Roy Jones at Iron Mike Tyson.

Ang dalawa ay ilan lang sa mga Kanong boksingero na nagmamahal sa boksing na umuulot kay Floyd para labanan ang Pinoy pug.   Pero nananatiling manhid ang kanilang kababayan.

Doon nga tayo nagtataka.   Halos bistado na ang pag-iwas ni Floyd na labanan si Pacquiao at puro sariling piling boksingero lang ang kinakalaban niya.

Ang tanong natin—bakit pinanonood pa ng boxing fans ang laban ni Floyd?

Meron ilang kilalang personalidad sa boksing sa Amerika ang naghahamon sa boxing fans na i-boycott ang laban ni Floyd para mapuwersa itong harapin si Pacquiao.

Sa kasalukuyan ay pangarap ng lahat ng nagmamahal sa boksing na mapanood ang paghaharap ng dalawang kinikilalang magaling sa boksing.

Iyon ang pinaka-ultimo na laban na kinasasabikan ng mundo.

Alex L. Cruz

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *