Wednesday , December 4 2024

Garapal na pagrerenda ng isang hinete; si Konsehal Josie M. Siscar

CONGRATULATIONS kay  Honorable Congressman Manny Pacquiao sa pagiging Kampeon muli! Saludo po ang bansang Pilipino sa inyo! MABUHAY PO KAYO!

Noong araw ng Sabado sa karerahan ng San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite ay maraming nagalit o nainis na mga mananaya sa pagdadala ni jockey Val R. Dilema sa kabayo Tensile Strength sa race 7 na kung saan ay  paratingan ng first Winner Take All (WTA).

Outstanding favorite ang kabayong  Tensile Strength sa race 7 na talaga naman inaasahan ng Bayang Karerista na wala itong talo.

Kung napanood ninyo ang ginawang  pagrerenda ni jockey Val dilemma sa ibabaw ng kanyang sakay ay masasabi ninyong  pinaboran niyang  manalo ang sakay ni jockey J.B. Hernandez na may dala kay Don Albertini na dehado sa betting.

Sa pagkapanalo ni Don Albertini ay nagresulta ang first Winner Take All (WTA) ng one winner.

Nagtanong sa atin ang isang mananaya na para daw hindi nakita ng mga Board of Stewards ang ginawang pagrerenda ni jockey Val Dilema sa kanyang sakay?

Hindi tinawag ng mga Board of Stewards si Jockey Val Dilema para tanungin na kung bakit ganoong KAGARAPAL ang pagrerenda nito kay Tensile Strength?

NAGTATANONG LANG PO ANG BAYANG KARERISTA!

oOo

Hanggang ngayon ay wala pang bukang-bibig ang  Bayang Karerista kung sino talaga ang mga lalahok na mga kabayo  sa pantaunang serye ng Philracom.

Mayamang serye para sa 3-year-olds ang pinaghahandaan ngayon ng maraming stable sa bansa na meron matitinding mga contenders.

Ang Low Profile at Kid Molave ang inaasahan nang lalahok.

Abangan po natin ang iba pang mga contenders na tiyak na magbibigay ng magandang  laban sa darating na TRIPLE CROWN.

oOo

HULI DITO, HATAK DITO ang ginawa ng mga towing service sa loob ng Maynila sa mga tricycle at illegal parking ng mga sasakyan sa kalye.

Halos araw-araw ay may dinadalang mga tricycle at sasakyan sa impounding sa Harrison Plaza sa tabi ng presinto 9 MPD.

Pero bakit marami pa rint nakikita na mga tumatakbong tricycle at mga sasakyang nakaparada sa kalsada?

Kung mag-iikot ka sa Maynila, makikita mo ang mga tricycle, pedicab at mga sasakyan na nakaparada sa kanto ng mga kalye na naghihintay ng mga pasahero.

BAKIT HINDI ITO HINUHULI? MAY NAKIKINABANG BA DITO? Ang laking ISTORBO PO NILA SA KALSADA!

oOo

SALUDO po tayo kay Konsehal Josie M. Siscar ng 5th District, Manila. Halos araw-araw ay nagsasagawa siya ng feeding program para sa mga batang mahihirap na nasasakupan ng kanyang lugar.

Kaagapay niya rito ang ang Barangay Chairman na si Dennise Racelis ng Bry. 737 Zone 30 na nagbibigay ng “Masarap na Lugaw” sa mga bata.

Lagi rin tumutulong sa mga proyekto ni Konsehal Siscar ang kanyang mga kaibigan na sina Mr. Jin Kaneda, Morita Koichi at Maeda Tomio.

MABUHAY PO KAYO KONSEHALA SISCAR!

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

About hataw tabloid

Check Also

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …

Richard Bachmann PSC BIMP-EAGA friendship games

Sports para sa pagkakaisa

SA KABILA ng maulang panahon, nagbigay ng makulay at masayang kapaligiran ang parada ng mga …

Batang Pinoy

Sa overall lead
Pasig City nanguna sa Batang Pinoy National Championships

CITY OF PUERTO PRINCESA – Humakot ng 35 gintong medalya ang Pasig City at naguna …

Chito Danilo Garma Chess 32nd FIDE World Senior Chess Championship

IM Garma, patuloy sa paglaban, nanatiling umaasa

Porto Santo Island, Portugal — Si Pinoy International Master (IM) Chito Danilo Garma ay nakapagtala …

ArenaPlus PBA FEAT

ArenaPlus co-presents PBA Esports Bakbakan Season 2

ArenaPlus, your 24/7 sports entertainment platform in the country, co-presents another season of the Philippine …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *