Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mag-ina arestado sa carnapping

INARESTO ng mga pulis ang mag-ina nang marekober sa kanilang compound ang dalawang karnap na sasakyan makaraan ireklamo ng concerned citizen kaugnay sa mabahong kemikal mula sa kanilang bahay sa Brgy. Catmon, bayan ng Sta. Maria, Bulacan.

Kinilala ng pulisya ang nadakip na mag-ina na sina  Reynan Manuel, 29, at Juleta San Diego, 69, ng nasabing lugar.

Nauna rito, nagreklamo sa himpilan ng pulis-ya ang isang residente kaugnay sa mabahong kemikal na nagmumula sa compound ng mag-ina.

Ngunit nang pasukin ng mga pulis ang compound ay nagtangkang tumakas ang mag-ina.

Sa puntong ito, natuklasan ng mga awtoridad ang puting Nissan Frontier 4X4 at Toyota Land Rover na bagong pintura sa loob ng nasa-bing compound.

Nang beripikahin sa LTO ay napag-alaman na karnap ang dalawang sasakyan at ilang linggo nang nawawala makaraan iparada sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Angeles sa lalawigan ng Pampanga.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …