Saturday , April 26 2025

Ex-cager, bebot patay sa karambola ng 3 sasakyan sa SLEx

PATAY ang dalawa katao kabilang ang dating player ng Philippine Basketball Association (PBA) at dalawa pa ang sugatan, sa magkarambola ng tatlong sasakyan sa South Luzon Expressway (SLEx), Muntinlupa City, iniulat kamakalawa ng gabi.

Nalagutan ng hininga bago idating sa Parañaque Medical Center sina Bryan Gahol, nasa hustong gulang, ex-PBA player ng Alaska, Mobiline, Barako Bull at Petron Blaze  at ang kasamang babae na kinilalang si Rosemarie Calara, kapwa residente sa 207 Dimasupil St., Barangay Timogan, Los Baños, Laguna.

Hindi na dinala sa pagamutan dahil sa minor injury lang  ang dinanas nina Johnny Bansoy at Felix Gonatisie, ng Calintaan, Occidental Mindoro, sakay ng Isuzu  Cargo Jeep (VRB-364).

Ang driver ng Isuzu truck, si  Alfredo Abe, 42, ng Barangay Calintaan, Occidental Mindoro  at ang driver ng International Tractor Head, (UOS-772), si Felix Moztaza, 36, ng Zone 8, Barangay Pangao, Lipa City ay nasa custody na ng PNP-Highway Patrol Group (HPG), Camp Crame.

Sa ulat na natanggap ni Police Sr. Inspector Juanito Guinid, Jr., ng PNP-HPG, nakabase sa SLEx, dakong 10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa north bound lane ng SLEx, Barangay Cupang.

Sakay ng Isuzu Cargo Jeep ang 11 katao kabilang ang sugatang sina Bansoy at Gonatisie na minamaneho ni Abe, na habang binabagtas ang center lane, hindi nakontrol ng driver ang preno kaya nabangga niya ang International Tractor Head, minamaneho ni Moztaza na nasa right outer lane.

Nang tumama sa International Tractor Head,  kumabig  ang Isuzu Cargo Jeep  sa kaliwa kaya’t tinamaan nito  sa left inner lane ang Nissan Urvan ( ZFK 893)  sakay ang mga namatay at tatlong kasamahan na sina Andro San Pedro; Nixon Sumbello at Jesus Apolinario, ng Los Baños, Laguna, hindi nasugatan.

Nawalan ng kontrol ang Nissan Urvan at umikot bago pa ito mabundol ulit ng Isuzu Cargo Jeep  at nadaganan.

Napag-alaman na galing Laguna sina Gahol at mga kasama   patungong Commonwealth, Quezon City  para pumunta sa isang lamay.

May kargang mga sibuyas at gulay ang Isuzu Cargo Jeep  na mula San Jose, Occidental Mindoro.     (JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Neri Colmenares

Ebidensiyang hawak malakas — Colmenares
PROSEKUSYON KOMPIYANSA, VP SARA TALSIK SA PUWESTO

TIWALA si dating Bayan Muna Partylist Rep. Neri Colmenares na mapatatalsik sa puwesto si Vice …

042425 Hataw Frontpage

10 pulis-QC sibak sa ibinangketang ‘Marijuana’

ni ALMAR DANGUILAN SINIBAK sa puwesto ang sampung pulis ng Quezon City Police District (QCPD) …

Knife Blood

Masaker sa Antipolo 7 patay sa pananaksak

BINAWIAN ng buhay ang pitong indibiduwal matapos pagsasaksakin sa loob ng isang panaderya sa Purok …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *