IBINALIK ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay AFP chief Emmanuel Bautista ang initial report hinggil sa apela ni Cadet Jeff Aldrin Cudia.
Sinabi ni Pangulong Aquino, hihintayin niya ang kompletong report sa loob ng isang linggo.
Ayon kay Pangulong Aquino, may ilang puntos na wala sa investigation report ng AFP na nakita sa pag-interview kay Cudia at sa PMA hierarchy.
Mayroon aniyang dapat ayusin sa sistema ng palakad sa PMA at kailangan ng paraan kung paano ito reresolbahin.
“Nabasa ko na iyong initial nilang report dito. Ipinabalik ko, sabi ko “give it to me in a whole week’s time”. Merong mga points na hindi natalakay doon sa kanilang investigation report. I reiterated that to General Bautista na kailangan itong mga points na nakita natin sa pag-i-interview kay Cadet Cudia and others including the PMA hierarchy, may mga kailangang i-ayos sa sistema at dapat parang bigyan ninyo ako ng roadmap na i-aayos itong mga nakita nating may mga kailangang paigtingin o pagbutihin sa palakad dito sa PMA,” pahayag ng Pangulo.