Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Parag-uma todas sa suwagan ng 2 kalabaw

032814_FRONT

LEGAZPI CITY – Nagkalasog-lasog ang katawan ng isang magsasaka nang pagtulungan ng nagsusuwagang dalawang kalabaw sa bayan ng Magallanes, sa lungsod ng Sorsoson.

Kinilala ang biktimang si Nestor Buenaflor, 63, ng Brgy. Siuton sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat ng pulisya, sakay ang biktima ng kanyang kalabaw nang bigla na lamang mag-huramentado nang makasalubong ang isa pang kalabaw.

Kasunod nito, hindi na nagawa pang mapigilan ni Buenaflor ang biglang pag-aaway ng dalawang hayop.

Nagdesisyon ang biktima na awatin ang dalawang kalabaw dahil baka may mangyaring masama sa kanyang alaga.

Ngunit laking gulat umano ng biktima nang siya na ang pagtulungan suwagin ng dalawang kalabaw.

Walang nagawa ang mga nakasaksi habang pinagtutusok ng sungay at inapak-apakan ng dalawang kalabaw ang walang laban na biktima.

ni LAYANA OROZCO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …