Monday , December 23 2024

DENR NCR binabalewala ng Rock Energy Int’l Corp.!?

00 Bulabugin JSY
MUKHANG walang kredebilidad ang Department of Energy and Natural Resources – National Capital Region (DENR-NCR) sa Rock Energy Int’l Corp., dahil binabalewala lang ng vice president nito na isang Mario Veloso ang ORDER na BAWAL nang magbagsak ng COAL sa port area lalo na’t kung malapit sa food establishments.

Sa ating pagkakaalam, ang Rock Energy International Corporation ay nagsimula ng mineral at bulk logistics services sa pamamagitan ng ini-import na 8,000 metric tons ng coal (uling).

Hanggang noong 2007 ay umabot ng 140,000 metric tons. Kumbaga lumaki nang husto ang pangangailangan ng Rock Energy sa kanilang storage facility.

Ang siste, mukhang wala silang nakuhang malaking storage facility na kayang i-accommodate ang 140,000 tons imported coal.

‘E ang bagsakan pa naman nila ng kanilang mga imported coal ay sa mismong likod ng Navotas Fishport katabi ng isang malaking gas station at ng S-Lord Canning, pagawaan ng sardinas sa nasabing lugar.

Dahil katabi ng isang  malaking gas station, inireklamo ng mga negosyante at residente ang HINDI ligtas na pag-iimbak ng Rock Energy ng kanilang mga uling (coal).

Delikado nga naman kung makasipsip ng gasoline at mahagisan ng kahit man lang upos ng sigarilyo ‘e tiyak na magliliyab ang buong Navotas Fishport.

Pero sa kabila ng mahigpit na utos ng DENR-NCR ‘e parang patay na lukan lang daw ang Rock Energy.

Mukhang walang kamandag sa kanila ang utos ng DENR-NCR.

Ipinagmamalaki rin umano ni Veloso ang kanyang mga konek lalo pa’t siya ay senior associate ng SGV & Co.

Aba, bilib naman tayo sa kapal ‘este’ asim nitong si Mr. Veloso … mukhang mabigat nga ang konek at nakukuha pang ipagyabang ang kanyang credentials …hehehe …

DENR NCR OIC Director LOURDES CALARA WAGAN, Madam, ano bang meron ‘yang Rock Energy bakit hanggang ngayon ay nakapagbabagsak pa rin sila ng COAL (ULING) d’yan sa likuran ng gas station sa tabi ng S-Lord Canning?!

Mukhang binabalewala lang ng isang Mario Veloso ang utos mo na itigil na ang pagbabagsak ng COAL sa area na ‘yan.

SAMPOLAN mo kaya!

Naire-remit ba sa BIR!?
CREDIT CARD KINAKALTASAN NG 3 PERCENT SA SOLAIRE CASINO
(ATTN: BIR COMM. KIM HENARES)

WALANG tigil ang inbox ng inyong lingkod mula sa mga natatanggap na reklamo laban sa SOLAIRE CASINO.

Isang casino player ang nagpaabot ng reklamo dahil kapag credit card daw ang ginagamit nila para mag-cash advance sa SOLAIRE Casino ay awtomatikong binabawasan ng three (3) percent ng cashier nila.

Ang siste, walang resibong ibinibigay sa kanila.

Ang tanong ngayon, saan napupunta at sino ang nakikinabang sa three (3) percent na ‘yan?!

Mr. Enrique Razon, idinedeklara ba ninyo ‘yan sa Bureau of Internal Revenue (BIR)?!

Madam KIM HENARES, mukhang maraming operasyon ang SOLAIRE Casino na hindi lantad sa mata at kaalaman ng mga taga-BIR.

Ang daming ‘TAX’ kuno ang ibinabawas sa mga pa-raffle nila pero wala naman resibong maipakita na nai-remit sa BIR ang perang ‘yan!

Kaya ba ninyong habulin o i-audit ‘yang mga ‘yan?!

Baka kamukat-mukat ninyo ‘e wala palang pakinabang ang gobyerno d’yan sa Casino ni Mr. “Kastilaloy” Razon?!

Pakibusisi lang Madam KIM and Finance Secretary Cesar Purisima!

SINDIKATO SA MTPB, KALUSIN NA! (PAGING: YORME ERAP)

HINDI man tayo maka-ERAP pero naniniwala pa rin tayo na kung malalantad sa kanyang kaalaman ang talamak na katarantaduhan diyan sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay hindi niya papayagang mamayani ang mga taong binigyan niya ng oportunidad pero walang ginawa kundi pagsamantalahan ang kanilang kapwa at sirain ang administrasyon niya.

Pinakatalamak daw ngayon sa mga departamento sa Manila City Hall ang MTPB na pinamumunuan ng isang Carter Logica.

Ang computer ng OVR ngayon ay ipinasok na raw sa loob ng opisina ni Logica para doon na humingi ng discount o makipag-negotiate ang mga ‘huli.’

Pero dahil nakiusap ang mga huling traffic violators at nabawasan nang konti ang kanyang binayarang multa, ‘e hindi na siya bibigyan ng resibo.

Sonabagan!!!

‘E gaano karaming motorista ang nabigyan nila ng special discount na sa bulsa ng tulisan ng MTPB napunta!?

Hindi ba maliwanag na ninanakawan nila ang kaban ng Maynila,Yorme Erap!?

Bukod sa raket sa mga huli, sinisindikato at pinagkikitaan naman ng isang sikwatary ‘este’ sekretarya ni Logica ang sweldo naman ng mga volunteer.

Ibang klase sumistema ang sekreTARA ‘este’ sekretarya ni Logica na si alias Madam Kendi.

Tatlong buwan na hindi ibibigay ni Mam Kendi ang sweldo ng mga volunteer para maibenta sa kanya. Ang tubo ng bentahan ay 10 percent. Parang Bombay na ala-FIVE-SIX pala ang raket nito?!

Meron din daw isang volunteer na Antonio Dawis na may kinahaharap na kaso pero hanggang ngayon ay naroon pa rin sa opisina ni Carter at siya pang nagma-manage ng monthly parking.

WTF!!!

Mukhang pati ‘CIVIL SERVICE COMMISSION’ ay binabastos na rin d’yan sa MTPB.

Meron pang isang alias DYOK NO na siyang kumukuha ng pera/tong sa mga illegal terminal at dinadala pa sa bahay niya ng mga traffic enforcer.

Sonamabits!!!

Yorme ERAP, mukhang kailangan mo nang KALUSIN ang mga abusado d’yan sa MTPB.

‘Yan mga tarantadong ‘yan ang humahanap ng mga taong magagalit sa inyo!

Alam kong pag nalaman n’yo ang mga kawalanghiyaan nila ‘e kahit ikaw mismo ay ‘MASUSUKA’ sa pinaggagawa ng mga tao mo riyan sa MTPB.

Last question na lang po: “Kanino ba nanghihiram ng KAPAL NG MUKHA ang mga nagsisindikato sa MTPB?”

Sa BOSSING ba nila?!

Kalos-kalos din Mayor Erap kapag may time!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *