Inendoso ng University Council ng Uni bersidad ng Pilipinas-Diliman ang pagbubukas ng klase sa Agosto mula sa nakasanayang Hunyo.
Ito’y makaraang bumoto pabor sa panukala ang karamihan sa mga miyembro ng konseho kabilang na ang assistant professors hanggang full professors ng unibersidad.
Inianunsyo ang nasabing desisyon ng UP-Diliman, dakong 1:30 Lunes ng hapon sa kanilang Facebook page.
“Today, the UP Diliman University Council (composed of all assistant professor to full professors) by a vote of 284-164 decided to support the shift in the academic calendar of UP Diliman from June to August 2014. Chancellor Michael Tan will now bring this sentiment to the next UP Board of Regents meeting on March 28 for approval. With this development, all UP constituent units will start the school year in August 2014.”
Sa pamamagitan din ng isang Facebook post, idinetalye ng Philippine Collegian na 284 miyembro ng konseho ang bumoto pabor sa pagbabago; 164 ang tumutol at walo ang nag-abstain.
Hihintayin ang desis-yon ng UP Board of Regents kung tuluyan nang uumpisahan ang klase sa Agosto.
Nitong Pebrero, nauna nang inihayag ng Ateneo de Manila University at iba pang UP campus kabilang ang Baguio, Los Baños, Manila, Cebu-Visayas, Mindanao at open university na ipatutupad na ang bagong academic calendar ngayon taon.
(LAYANA OROZCO)