MUKHANG mayroong pangangailangan na panghimasukan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga promo-raffle ng Solaire Casino.
Mayroon kasing isinagawang HK$1.5M (PHP10M) Baccarat tournament ang Solaire Casino noong unang linggo ng Marso para sa mga VIP Player.
Heto ngayon ang siste, sa Bacarrat tourney elimination round pa lang, marami na ang umaangal.
Napansin kasi nila na hindi basta VIP players ang naglalaro, mayroon ilang kasali na Casino financiers, kapatid ng isang Solaire official at junket operators.
‘E dapat pala tournament ng mga financiers at Kamaganak Inc., na lang ‘yan!?
Ang ipinagtataka pa ng mga player, pagdating sa final table, mayroon biglang mga dumarating at nakasali na hindi dumaan sa elimination round.
SONABAGAN!!!
Hindi ba malaking pandaraya ito sa VIP players!?
Heto pa ang isang siste, d’yan sa Solaire Casino, kapag may promo raffle sila, at ang premyo halimbawa ay kotse ‘e hindi lubos na masisiyahan ‘yung nanalo.
Bakit kan’yo!?
‘E kasi, babayaran pa no’ng nanalo ‘yung 20/30 porsiyentong tax, base sa halaga ng kotse. Wala naman ibinibigay na resibo sa nanalo na katunayan na ibinayad nila sa BIR ang tax na ibinabawas nila. Aabutin pa ng halos isang buwan bago ma-claim ang napanalunan na kotse?!
Kung sakali namang iko-convert ng nanalo sa cash ang kotse, babawasan naman nila ng 30 porsiyento ang kabuuang halaga at kung gusto naman na buong halaga ang makuha ay PLASTIC FREE PLAY CHIPS naman ang ibibigay nila.
‘E bakit nagpa-raffle pa kayo kung gusto pa n’yong pagkakitaan ‘yan!?
Sonabagan!!! Style Kastilang swapang!!!
‘E anong klase panalo ‘yan?!
Playing chips para ilaro at ipatalo ulit sa Casino nila?!
Trade and Industry Secretary Gregory Domingo, Sir, bakit nakalulusot sa inyo ang mga ganyang klaseng promo?
Aba, bakit WALA man lang tayong nakikitang representative ng DTI kapag nagra-raffle ang Solaire Casino.
May sanction o aprubado ba ng DTI ang ganyan raffle promo nila!?
Ang nalalaman na lang agad ng publiko ‘e may NANALO na.
Commissioner KIM HENARES, totoo naman bang napupunta sa BIR ang ibinabawas na 20-30 porsiyento tax sa mga nanalo?!
O sa bulsa lang nila napupunta ang tax na kinakaltas ng Solaire?
Paki-EXPLAIN!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com