Nalunod ang 14-anyos binatilyong ga-graduate na first honor sa elementarya sa Camarines Norte.
Sa susunod na Biyernes na ang graduation ng biktimang si Alvin Tabor, 14, sa Tulay na Lupa Elementary School sa Daet, ngunit hindi na ito umabot.
Naniniwala ang nanay ng binatilyo na si Aling Nelly, na may kasama ang anak nang pumunta sa Bagasbas Beach dahil hindi anya marunong lumangoy ang kanyang anak na may kapansanan sa paglakad.
May nakakita sa biktima na bumaba sa isang tricycle sa dalampasigan at iniwan ang kanyang bag at saklay saka dumiretso sa dagat.
Ilang minuto ang lumipas nang matagpuang nakalutang sa dagat at wala nang malay ang biktima.