Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

RP U18 team inilabas na

PANGUNGUNAHAN ni Thirdy Ravena ang listahan ng mga manlalarong kasali sa RP team na sasabak sa FIBA Asia Under-18 Championships na gagawin sa Doha, Qatar, mula Agosto 19 hanggang 28.

Makakasama ni Ravena sa lineup na inilabas ni coach Jamike Jarin sina Andrei Caracut ng San Beda, Dave Yu ng Sacred Heart School ng Cebu, Aaron Black ng Ateneo, Richard Escoto ng Far Eastern University, Dawn Ochea ng Adamson at John Apacible at Jollo Go ng Hope Christian High School.

Si Ravena ay kapatid ng superstar ng Ateneo na si Kiefer Ravena samantalang si Black ay anak ng head coach ng Talk n Text sa PBA na si Norman Black.

Ayon kay Jarin, may iba pang mga manlalarong may pag-asang makapasok sa koponan.

Ang FIBA Asia U18 Championships ay gagawin pagkatapos ng FIBA Under-17 World Championship sa Dubai mula Agosto 8 hanggang 16.                (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …