Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Piratang’ intsik timbog sa camcording

TIMBOG ang isang Chinese national nang maaktohang nagrerekord ng kanyang pinanonood na pelikula sa isang sinehan sa Mall of Asia, Pasay city, nitong nakaraang Biyernes.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Camcording Act ang suspek na kinilalang si Chen Shen Hua, 32,  pansamantalang nanunuluyan sa Unit 6B LPL Center 130LP Leviste St., Salcedo Village, Makati City.

Inaresto ni PO3 Bienvenido Calvario, Jr., deputized agent ng Anti-Camcording Task Force si Chen habang inire-record sa hawak niyang mobile phone ang pelikulang “300 The Rise of an Empire” dakong 8:58 ng gabi.

Sa imbestigasyon ni PO3 Dennis Desalisa ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), nagmo-monitor si Calvario sa loob ng Imax Theater nang mapuna niya ang dayuhan nasa ika-limang  linya ng upuan at inire-record sa pamamagitan ng kanyang mobile phone ang nasabing pelikula.

Batay sa pulisya, labag sa batas ang pagre-record ng pinapanood na pelikula sa ilalim ng Republic Act 10088 o Anti-Camcording Act of 2010.

Nakapiit sa detention cell ng Pasay City police si Chen at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa Pasay city Prosecutor’s Office.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Cargo ship fire Manila North Harbor

Cargo ship tinupok ng apoy; 3 sugatan sa Manila North Harbor

TATLONG indibiduwal ang iniulat na sugatan matapos tupukin ng apoy ang isang cargo vessel na …

Leilani Lacuna

Mayor Isko, Atienza sinampahan ng kasong graft, grave misconduct sa Ombudsman

NAGHAIN ng reklamo si dating Liga ng mga Barangay Manila president Leilani Lacuna, na kapatid …

Alan Peter Cayetano

Cayetano pinapopondohan rehiyong may malalang bilang ng mga bansot

NABABAHALA si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa aniya’y tumataas na kaso ng pagkabansot …