Saturday , November 23 2024

7 KFR members timbog sa NBI (Negosyanteng Fil-Chinese dudukutin)

030614 gun kfr

IPINAKIKITA ng mga ahente ng National Bureau of Investigations (NBI) ang mga armas ng pitong miyembro ng kidnap for ransom group na balak sanang dukutin ang Chinese-Filipina businesswoman, ngunit nadakip ng mga awtoridad sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.

ARESTADO sa nabigong pagdukot sa isang negosyanteng Filipina-Chinese ang pitong miyembro ng kidnap for ransom (KFR) group sa operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Antipolo City.

Kinilala ng NBI Anti-Organized Crime Division head, Agent Rommel Vallejo ang mga suspek na si Ist Lt. Moel Alipio y Melad, aktibong miyembro ng militar; at mga sibilyan na sina Joseph Entredicho y Villasor, Grexon Behare y Bacho, Rafael Camasis y Gutierrez,  at Jame Bendo y Nuguit.

Arestado rin sinaVa-lentino Carlobos y Malabago, dating corporal na miyembro ng Scout Ranger, at dating Army Corporal Edgar Alipio y Talosa.

Target ng NBI at Rizal PNP ang isang Major Del Rosario na sinasabing PMAyer, at aktibong miyembro ng AFP, itinuturong mastermind ng grupo, at dalawang hindi pa pina-ngalanan.

Sa ulat, dudukutin sana ng grupo ang Filipina-Chinese businewoman na patungo sa kanyang pabrika sa Cainta, Rizal ngunit natunugan ng mga ahente ng NBI.

Hindi na nakapalag ang mga suspek nang sila ay arestohin sa Antipolo City ng magkasanib na pwersa ng NBI at Rizal PNP.       (ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *