Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2-anyos paslit napisak sa backhoe

KALIBO, Aklan – Kalunos-lunos ang sinapit ng 2-anyos lalaking paslit matapos magulungan ng backhoe habang nasa gilid ng kalsada sa Banga, Aklan kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Gian Zausa, residente ng naturang lugar.

Ayon kay PO1 Neptali Hao ng Banga Police, hindi namalayan ni Vivian Sauza, lola ng biktima at nagbabantay sa kanyang apo, na nakalabas ang bata sa kanilang bakuran at nakatakbo sa kalsada.

Base sa impormasyon, umiwas ang driver ng backhoe sa kasalubong na SUV dahilan para mahagip ang bata sa gilid ng kalsada.

Todo ang pagtanggi ng driver ng backhoe na si Francisco Tim-oc, 54, residente ng Floridablanca, Pampanga, na may nasagasaan siyang bata.

Ayon sa kanya, hindi niya namalayan ang pangyayari dahil masya-dong mataas ang kanyang sasakyan at nakasarado.

Ayon sa pulisya, ang backhoe ay pag-aari ng BSP and Company Inc.

Nakakulong na ngayon driver at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …