Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Malabon ex-tserman kritikal sa ambush

KRITIKAL ang kalaga-yan ng dating barangay chairman matapos  tambangan ng hindi nakilalang riding in tandem, habang tumatawid ang sasakyan ng biktima sa isang tulay, sa Malabon City, kahapon ng umaga.

Inoobserbahan  sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang kinilalang si Antonio Criss, Sr., 60-anyos, negosyante, ng Mapalad St., Brgy. Tonsuya ng nasabing lungsod, sanhi ng tama ng bala ng kalibre .45 sa leeg,  habang nakaligtas ang dri-ver na hindi pinangala-nan ng pulisya.

Sa ulat ni PO3 Rommel  Habig, may hawak ng kaso, dakong 9:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa Sanciangco St., ng nasabing lungsod.

Sakay  sa likuran ng kanyang Crosswind na puti (ZUT-265) ang biktima galing sa hearing sa isang kaso sa Justice Hall sa Brgy. Catmon sa lungsod at pauwi na sa kanilang bahay    nang su-mulpot sa likuran ng kanilang sasakyan ang isang motorsiklo sakay ang tandem at walang sabi-sa-bing pinagbabaril ang biktima.

Mabilis tumakas ang mga suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo  habang isinu-god sa pagamutan ang biktima  na nasa kritikal pang kalagayan.

Sinisilip ang anggulong may kinalaman sa politika ang sanhi ng pananambang.

(rommel sales)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …