Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karnaper timbog sa entrapment

ARESTADO sa entrapment operation  ng Manila Police ang isa sa mga suspek sa sunod-sunod na panga-ngarnap ng mamahaling sasakyan sa Lungsod ng Maynila, inulat kahapon.

Nakatakas ang sinasa-bing mastermind na si Ber-nabe Corale, ng General Tinio, Nueva Ecija, na nakaramdam na mga pulis ang kanilang katransaksyon.

Ayon sa report ni S/Insp. Rommel Geneblazo, pinuno ng MPD Anti –Carnap-ping Unit, kinilala ang suspek na si Jear de Vera, 25,  ng General Natividad 1-A Talabutab Norte, Nueva Ecija.

Ani Geneblazo, kakasuhan si De Vera ng robbery extortion matapos  humingi ng P35,000 mula sa biktimang si Sister Nieves Robillos  ng Cardinal Sin Village Park, Sta. Ana, para ibalik ang ninakaw na behikulo ng biktima.

Nitong February 14, 2014 inalarma  ng madre ang pulisya hinggil sa pagkawala ng kanyang Tamaraw FX (GHJ-243) noong February 13, 2014.

Nabatid kay Geneblazo na nag-text umano sa madre ang mga suspek  ngunit pinakiusapan  ng madre na kunin na lamang sa kanilang bahay ang pera dahil  siya ay may sakit.

Lingid sa kaalaman ng mga suspek,  mga pulis na ang kanilang katransaksyon kaya agad na isinagawa ang entrapment sa paanan ng Lambingan Bridge, harap ng Petron Gasoline Station, Sta Ana, Maynila dakong 7:00 ng gabi.  (leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …