Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bangayan isinugod sa ospital (Medical check-up kay Napoles aprub sa Makati RTC)

ISINUGOD sa ospital ang suspected big-time rice smuggler na si Davidson Bangayan nang tumaas ang blood pressure at nahirapang makalakad.

Bunsod nito, nabigong makadalo si Bangayan sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senado hinggil sa nabunyag na multi-million peso rice smuggling scandal.

Ayon kay Atty. Benito Salazar, isinugod ang kanyang kliyente sa Laoag General Hospital dahil sa pagtaas ng blood pressure.

Aniya, nakapagbigay sila ng abiso sa Senado at walang katotohanan na tumatakas sa imbestigasyon ang kanyang kliyente.

Maalalang maka-ilang beses pinabulaanan ni Bangayan na siya ang tinutukoy na “David Tan,” itinuturing na rice smuggling lord.

(CYNTHIA MARTIN)

MEDICAL CHECK-UP KAY NAPOLES APRUB SA MAKATI RTC

PINAGBIGYAN ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 150 ang hiling ni Janet Lim-Napoles na makapagpatingin sa ospital sa labas ng Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa desisyon ni Judge Elmo Alameda, maaaring makapagpa-check-up sa ospital si Napoles ngunit hindi sa pribadong pagamutan na inihihirit ng kampo ng akusado kundi sa Camp Crame General Hospital lamang.

Magugunitang hiniling ng mga abogado ng akusado na madala sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig ang kanilang kliyente dahil sa nararanasang pananakit ng tiyan at abnormal menstrual bleeding, bukod pa sa posibleng ovarian tumor.

Ngunit sa pagpresinta ng kampo ni Napoles sa apat na doktor, hindi nakombinsi ang huwes na nasa emergency status ang kalusugan ng inaakusahang pork barrel scam queen.

Inaasahang maglalabas ang Makati court ng schedule para sa check-up ni Napoles, kasama ang iba pang panuntunan na kailangang sundin ng mga awtoridad na mangangasiwa sa pagbabantay sa akusado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …