Monday , December 23 2024

Biyuda ni tado nagpakalbo vs iregularidad sa Florida, LTFRB

SINUGOD kahapon ng biyuda ni Arvin ‘Tado’  Jimenez, kasama ang Dakila Group, ang opisina ng GV Florida Transport  bilang protesta sa pagpapabaya sa mga biktima ng ‘lumipad’ na bus patungong Bontoc, dalawang linggo na ang nakararaan.

Nagpakalbo si Lei Jimenez, bilang protesta laban sa inhustisya sa mga biktima sa nasabing insidente.

Habang ginugupit ang buhok ni Lei, isinisigaw ng mga miyembro ng Dakila Group ang “Hustisya sa mga biktima ng Florida!”

Kasunod nito, dumiretso ang grupo sa opisina ng Land Transportation Franchising Regulatory Board para dumalo sa pagdinig ng ahensiya sa kaso ng GV Florida Transport.

Paniwala ni Lei, bukod sa kompanya ng bus, may pagkukulang din ang LTFRB kaya nakapag-operate ang mga kolorum na bus.

Namahagi ng tsekeng nagkakahalaga ng P150,000 ang kompanya ng bus sa kaaanak ng mga biktima ngunit tinanggihan ng biyuda ni Tado ang P150,000 insurance mula sa GV Florida Transport.         (JASON BUAN)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *