Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Austrian limas sa taxi driver

021614_FRONT
HINOLDAP ang isang Austrian national  habang sakay ng airport taxi mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, Biyernes ng gabi.

Ayon kay PSr./Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, dakong 9:00 ng gabi nang sumakay sa dilaw na taxi ang biktimang kinilalang si Andrea Mausser, 33-anyos.

Kararating lang ng bansa galing Austria ng biktima, at nagpapahatid sa Heritage Hotel sa Pasay na roon siya tutuloy.

Kwento ng biktima, imbes na dalhin sa hotel ay idinaan siya ng drayber ng taxi sa madilim na lugar at nag-pick up pa ng isang lalaki.

Pinaikot-ikot umano ng mga suspek ang taxi habang kinukuha sa biktima ang maleta nito, iPhone 5, pitaka na may mga ID at credit cards, at cash na umaabot sa P15,000.

Salaysay ng biktima, ibinaba siya sa C5 Extension sa Muntinational Village matapos ang ilang oras na pag-ikot-ikot at doon  siya naghanap ng makatutulong sa kanya.

Hindi matandaan ni Mausser kung natutukan siya ng baril o patalim habang nililimas ang kanyang mga gamit ng dalawang suspek pero hindi siya nasaktan sa pangyayari.

Ayon sa mga awtoridad, ayaw na ituloy ng biktima ang reklamo at nagpahatid na lang sa hotel na kanyang tutuluyan.

ni JAJA GARCIA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …