HINDI na matutupad ng isang binata ang pangakong pakakasalan ang kanyang girlfriend, matapos pagbabarilin ng apat na hindi nakilalang suspek, habang papasok sa kanyang trabaho sa Ma-labon City, kamakalawa ng umaga.
Dead on arrival sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM) ang biktimang kinilalang si Rafael Baclea-an, 29-anyos, ng Lapu-Lapu Avenue, Brgy. Longos, sanhi ng apat na tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa ulo.
Isang manhunt ope-ration ang isinasagawa ng mga awtoridad laban sa notoryus lider ng mga holdaper na alyas Bonita Yaro, ng Tumana, Navotas City, at tatlo pang kasamahan na itinurong sangkot sa krimen.
Sa ulat ng pulisya, dakong 6:00 ng umaga nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng biktima.
Papasok ang biktima sa kanyang trabaho, nag-aabang ng masasakyan nang palibutan ng apat na suspek sabay deklara ng holdap.
Ayon sa ilang nakakita sa pangyayari, naki-pagbuno ang biktima sa mga holdaper na ikinagalit ng mga suspek dahilan upang pagbabarilin siya sa ulo.
(rommel sales)
Parak kritikal
KRITIKAL ang kalaga-yan ng isang miyembro ng Navotas City Police matapos ratratin ng isa sa apat na armadong holdaper, nang rumesponde ang biktima sa holdapan sa Navotas City, kamakalawa ng madaling araw.
Nasa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si PO2 Francisco Camayo, Jr., 28-anyos, nakatalaga sa Police Community Precinct 5 (PCP-5) at residente ng Tondo, Maynila, sanhi ng isang tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa kaliwang dibdib.
Sa ulat ni PO3 Edwin Guzman, may hawak ng kaso, dakong 4:30 ng madaling araw, nang maganap ang insidente sa Road 10, North Bay Boulevard South (NBBS).
Hindi pa nakalalapit ang pulis ay agad pinutukan at tinamaan sa dibdib saka mabilis na nagpulasan ang mga suspek.
(rommel sales)