Saturday , November 23 2024

Tsuper, anak niratrat patay

LEGAZPI CITY – Hindi pa maditermina ng mga awtoridad ang motibo sa pananambang sa mag-ama sa  Libon, Albay.

Kinilala ang mga biktimang  sina Rosaldo Raytana y Regondola, 61, jeepney Driver, at anak nitong si Rusty Raytana y Aderes, 23, konduktor ng jeepney at kapwa residente ng Brgy. Matara, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, namamasada ang mag-ama sakay ang tatlong pasahero at sa pagsapit sa Sitio Magaragad, Brgy. San Pascual, may sumalubong na isang armadong lalaki.

Agad na tumigil ang minamaneho nitong sasakyan na nagbigay ng pagkakataon sa hindi pa nakikilalang suspek para paulanan ng bala ang mga biktima.

Dead on the spot ang mag-ama at ligtas ang talong mga pasahero.

ISA PANG SUSPEK SA PINATAY NA MAG-AMA SUMUKO NA

Sumuko na ang isa pang suspek sa brutal na pagpatay sa mag-ama sa Malabon nitong Miyerkoles.

Sabado ng umaga, sumuko kay Mayor Antolin Aquino Oreta III ang suspek na si Aries Santos, kamag-anak din ng mga napatay na sina Felizardo Coralde, 46-anyos at Albert, 20.

Sa panayam sa ama ni Santos na si Ariel, sinabi nitong nagtago sa Batangas ang anak matapos ang krimen.

Noong una natatakot pang sumuko ang kanyang anak pero nakumbinsi niya rin magtungo sa tanggapan ng kanilang mayor.

Aminado ang aniya anak na kasabwat ito sa pagnanakaw sa mag-ama subalit itinatangging may kinalaman siya sa pagpatay sa mga ito.

“Malapit yan [sa mga biktima]. Kami-kami ang magkakapitbahay, wala naman kaming samaan ng loob, walang dahilan para siya ang pagbintangan,” sabi ng matandang Santos.

Giit pa nito, hindi nagdo-droga ang kanyang anak at pagpapasada ng pedicab ang hanapbuhay nito noon.

Biyernes nauna nang sumuko ang suspek na si Anthony Sernechez, 26, at sinabing inggit at pagnanakaw ang motibo nila ni Santos sa krimen.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *