Monday , December 23 2024

Genuine party-list isinusulong ng Makabayan Bloc

00 Bulabugin JSY
MATUTUWA ang marami at tunay na marginalized  sector kapag napagtagumpayan ng MAKABAYAN BLOC ang kanilang isinusulong na ‘pagpupurga’ sa PARTY-LIST SYSTEM.

Sa mga nagdaang eleksiyon na may party-list, kapansin-pansin na ang mga nominees ay ex-gov’t officials, PNP and AFP officials, mga congressman na nag-last term na at nais manatili sa Kongreso, mga miyembro ng mayayaman at malalaking pamilya na mayroong malaking interes sa negosyo, mayroon pa ngang mga notorious  na gambling lord habang ang iba naman ay mayroong interes sa malalaking raket sa gobyerno.

Umaasa umano ang Makabayan bloc na matutuldukan ang pang-aabuso ng mga ganid sa kapangyarihan at matitigil na rin ang pambababoy sa party-list system.

Ayon kina representatives Neri Colmenares (Bayan Muna), Carlos Isagani Zarate (Bayan Muna), Luzviminda Ilagan (Gabriela), Emmi de Jesus (Gabriela), Antonio Tinio (ACT-Teachers), Fernando Hicap (Anakpawis) at Terry Ridon (Kabataan), dapat matiyak na marginalized at under represented sector sa lipunan ang tanging kwalipikado sa party-list.

Sa House Bill (H.B.) 179 na tatawaging Genuine Party-List Group and Nominee Act, dapat dumaan sa public hearing na isasagawa ng Commission on Elections ang lahat ng grupo na gustong mapabilang sa party-list kung sila nga ay marginalized at underrated sectors.

Nais din amyendahan o baguhin ng nasabing House Bill ang Section 9 ng Republic Act 794, na magdidiskuwalipika sa mga party-list nominee na dating mayor, vice-mayor, governor,  congressman, senator, vice-president at president.

Hindi rin puwedeng inomina ang sinomang may kamag-anak sa ikatlong antas (third degree), o may relasyon sa nakaupong government officials.

Bawal rin maging nominee ang mga naging Gabinete, Provincial Director ng PNP, commander ng AFP o anomang mataas na posisyon na kanilang ipinaglingkod sa pamahalaan, pati na ang sinoman na may mas mataas na suweldo kaysa sahod ng party-list congressman.

Malinaw, obhektibo ang mga patakaran at layuning ‘yan.

Sa party-list system ay kitang-kitang ang tatsulok sa lipunan. At ang tatsulok na ito ay nasusuhayan pa ng matinding 3-M DIVISION d’yan sa Commission on Elections (Comelec).

Habang nagsisikap ang marginalized sector na pumarehas, kung hindi man makayanan na tuluyang baliktarin ang tatsulok sa lipunan, mas lalong naging doble o triple ang pagsisikap ng mga tinatawag na ‘naghaharing uri’ para kopohin ang isang sistema na magluluklok sa mga tunay sa lingkod ng bayan.

Nakukuha na nila ang regular seats sa Kongreso pero hindi pa masiyahan kaya pati ‘yung para sa party-list ay gusto pang kopohin.

Anyway, gusto po natin magtagumpay ang batas na ito sa KONGRESO.

ALAM na alam po natin na malaki ang pangangailangan na maisulong ito sa Kongreso!

ERC CHAIR DUCUT KANINO NANGHIHIRAM NG KAPAL NG MUKHA?

NANGUNGUNYAPIT kahit hinihila na paibaba mismo ng kanyang kapabayaan si Energy Regulatory Commission (ERC) Chairman Zenaida Ducut.

Pinaninindigan ni Ducut na hindi siya magbibitiw sa kanyang pwesto kahit sandamakmak na ang nananawagan na magbitiw dahil sa sunod-sunod at hindi mapigil na pagtataas ng power rate.

Ipinagdidiinan ni Ducut na ang reputasyon at propesyonalismo ng ERC organization ang nakataya dito kaya hindi niya iiwanan ang kanyang mga tao kundi aakayin niya umano kung nasaan ang tama at kung ano ang nararapat.

Kung hindi tayo nagkakamali, si Ducut ay kabilang sa mga ‘blue  ladies’ ni dating Pangulong GMA kasama ang iba pa na si dating Rep. Amelita Villarosa, na nagtalunan sa ibang ‘banka’ nang maramdaman nilang palubog na ang barko ng dating Pangulo.

Sa loob ng kanyang limang taon bilang ERC head, sinabi ni Ducut na naitransporma niya ang ERC sa  isang bukas at competitive electricity sector.

Nitong  Enero 23,  naghain ng reklamo sina Akbayan Representatives Walden Bello and Barry Gutierrez, sa Office of the President para tanggalin siya sa kanyang pwesto dahil sa “gross neglect of duty and incompetence in protecting the interest of the power consumers.”

Pero hanggang gayon ay KAPIT-TUKO pa rin sa kanyang pwesto si Ducut gayong malaki na ang napeperhuwisyo sa sambayanang Pinoy.

Pinasalamatan pa ni Ducut si Pangulong Noynoy dahil mabuti raw at hindi naniwala sa mga paninira laban sa kanya.

Hay naku. Ms. Ducut, hindi ka naman kailangan siraan pa dahil ramdam na ramdam ng sambayanan na malaki ang kapabayaan mo bilang ERB chairperson na pinakinabangan ng malalaking kompanya ng power supply.

Talaga bang makapal ang ilong este ang mukha mo at hindi ka na lang magkusang mag-resign?!

Ibang klase ka Ms. Ducut!

BLIND CURVE PATUNGONG MT. BONTOC WALANG ROAD SIGNS, WALANG ROAD HAMPER

ALAM nating hindi natin hawak ang buhay ng isa’t isa, pero marami talaga ang nanghihinayang sa buhay ng “alagad ng saning” na si  Arvin “Tado” Jimenez.

Nanghihinayang sila dahil natapos ang buhay ni Tado nang walang kapararakan.

Dahil sa kapabayaan ng isang sasakyan nadamay, ang buhay ng iba pang pasahero.

Ayon sa ating source ang kinahulugan nina Tado ay malalim na blind curve, walang road signs at lalong walang nagmamandong tao.

Nagulat siguro ang driver nang makita niyang hindi pala deretso kundi paliko ang kalye at huli na para kabigin nag manibela kaya lumipad ang bus.

Ang mas lalong nagakagugulat dito ay nang matuklasan na ang particular na bus ay hindi na pala pag-aari ng Florida. Ibinenta na pala ito sa ibang operator pero hindi man lang na-notify ang LTFRB.

Sino ngayon ang mananagot sa karumal-dumal na pagkamatay ng mga biktima?!

Tsk tsk tsk …

Paging LTFRB! PAGING LTO!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *