LEGAZPI CITY – Mas hinigpitan pa ang monitoring ng medical team sa nagpapatuloy ng Palarong Bicol 2014 sa lalawigan ng Catanduanes.
Ito ay kasunod ng mataas na bilang ng mga atletang hinimatay sa gitna ng kompetisyon.
Umaabot na sa 32 ang naitalang hinimatay habang nasa kasagsagan ng palaro na agad dinala sa headquarters ng Philippine Red Cross.
Isinisisi sa sobrang init ng panahon ang pangyayari.
Nagsimulang umarangkada ang palaro noong Pebrero 2 at magtatapos sa Pebrero 7.