Saturday , November 23 2024

Tatay tinutugis sa mag-inang niligis

Tinutugis ng mga awtoridad si Danilo Rafael, Sr., ang pangunahing suspek sa pagpatay sa kanyang mag-ina sa Barangay Moonwalk, Para-ñaque City nitong Linggo.

Una nang natagpuan ang bangkay ni Fe Rafael, 54-anyos at anak na si Danilo, 18, sa compartment ng kotse.

Kahapon  ng umaga, nagpakalat ng retrato ng 55-anyos suspek ang mga kaanak ng kanyang misis.

Sa panayam kay Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque Police, si Danilo, Sr., ang itinuturo nilang suspek sa krimen dahil siya ang huling nakasama ng mag-ina.

“Mula po nang nangyari ‘yung insidenteng yun, hanggang ngayon hindi pa po siya nagpapakita, so ang teorya po namin ay may kinalaman siya sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak,” sabi ni Andrade.

Sa nakuhang footage ng closed circuit television (CCTV) camera, nakita ang suspek nang iwanan sa Multinational Village ang kotseng kinalalagyan ng bangkay ng mag-ina, na hiniram lamang sa kanyang mga biyenan.

Ang biyenan ng suspek ang nakadiskubre sa bangkay ng kanyang anak at apo nang makitang nasa loob ng kanilang bahay ang susi ng kotse na mistulang inihagis lamang.

Binanggit ni Andrade na selos ang nakikita nilang motibo sa krimen dahil ayon sa mga kaanak, seloso ang suspek.

Wala rin aniyang trabaho ang suspek at ang kanyang misis ang naghahanapbuhay bilang contract manager sa isang construction company.

Pinaniniwalaan ng pulisya na pinatay sa pamamagitan ng pagpalo ng matigas na bagay sa ulo dahil basag ang bu-ngo ng mag-ina.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *