Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pekeng parak tiklo sa checkpoint

PATONG-PATONG na kaso ang isinampa laban  sa 35-anyos  lalaki na nagpanggap na pulis, makaraan masita sa  checkpoint dahil sa pagmamaneho ng motorsiklong walang plaka at hindi pagsusuot ng helmet, sa Pasay City kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang suspek na  si Zaldy Dionela ng Tupas St., sinampahan ng mga kasong usurpation of autho-rity, paglabag sa helmet law, pagmamaneho nang hindi nakarehistrong motorsiklo at paglabag sa ordinansa kaugnay sa pagdadala ng toy gun.

Sa report ni Pasay police chief Senior Supt. Florencio Ortilla, dakong 9:00 a.m., nagsasagawa ng checkpoint sa panulukan ng F.B. Harrison at P. Manahan streets sina Sr. Insp. Alexander Rodrigo, nang sitahin si Dionela at kaangkas niyang nagpakilalang si PO2 Christian Jado ng Camp Crame.

Nakuha kay Dionela ang replika ng .45 kalibre baril at ang kaangkas ay nagpakita ng ‘dokumento’ para magpakilalang pulis umano siya.    (J. GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …