Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

3-0 target ng RoS Laro Ngayon (MOA Arena)

3:30 pm – Rain Or Shine vs. Petron Blaze

ISANG hakbang pa papalapit sa Finals ang  tatangkaing kunin ng Rain Or Shine sa pagkikita nila ng Petron Blaze sa  Game Three ng best-of-seven semifinal round ng  PLDT myDSL PBA Philippine Cup mamayang 3:30 pm sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakapagposte ng 2-0 abante ang Elasto Painters sa serye matapos na muling magwagi sa Game Two, 103-94 noong Miyerkoles.  Nanaig din ang Elasto Painters sa Game One, 103-95.

Sa Game two ay masama ang naging umpisa ng Rain Or Shine nang mapigilan ng Petron ang running game nito. Dahil dito ay nakalamang ang Boosters, 32-18 sa first quarter.

Pero naibaba ito ng Rain Or Shine, 54-46 sa halftime at naging dikdikan na ang laban ng dalawang koponan sa second half.

“It was a physical game, but that is really our game. For a while I thought it was a lost game but the guys  did not give up.  We carved up a hard win,” ani Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao. “It’s a testament to the mental toughness of the boys. The game may be physical but it’s still mental.”

Si June Mar Fajardo pa rin ang main weapon ng Petron at nagtapos itong may 20 puntos sa Game Two. Kaya naman todo ang depensa ng  Rain Or Shine kay Fajardo na pinipigilan ng apat na manlalarong sina Beau Belga, JR Quinahan, Raymond Almazan at Larry Rodriguez.

“2-0 is a good place to be at this point. But we need two more wins and that won’t be easy,” dagdag ni Guiao na patuloy na aasa sa opensa nina Gabe Norwood , Jeff Chan, Paul Lee at Ryan Arana.

Sa kabila ng pagkabigo sa unang dalawang larong serye, naniniwala si coach Gelacio Abanilla III na kaya ng Boosters na makabawi. Napigilan nga nila ang running game na sandata ng Rain or Shine sa Game One kung kaya’t sinasabi ni Abanilla na mental focus na lang ang kailangang mapaganda ng kanyang mga bata.

Si Fajardo pa rin ang pangunahing sandata ng Boosters subalit kailangan itong matulungan nina Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Chris Lutz at Doug Kramer kung hangad ng Petron na makaisa sa Rain or Shine.

(SABRINA PASCUA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Mazel Paris Alegado SEAG

Alegado 11-anyos, nagwagi ng ginto sa women’s park event ng skateboarding sa SEA Games

BANGKOK — Maaaring si Mazel Paris Alegado, isang 11-anyos na skateboarder, na ang pinakabatang gold …

San Beda NCAA

San Beda winalis ang Letran para sa korona ng NCAA Season 101

TINAPOS ng San Beda University ang kampeonato sa men’s basketball ng NCAA Season 101 nang …

Alex Eala

Alex Eala, sisimulan ang kampanya para sa SEA Games gold laban sa Malaysian netter

NONTHABURI — Inaasahang makikita na sa aksyon si Alex Eala para sa Team Philippines habang …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …

PH Footbal SEAG

Makabuluhang doble-semis para sa PH sa SEA Games football matapos i-blangko ng Filipinas ang Malaysia

CHONBURI – Tinuldukan ng Philippine women’s national football team ang kanilang kampanya sa 2025 Southeast …