Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Canaleta nasa TNT na

LALONG lumakas ang Talk ‘n Text dahil sa pagkuha nito kay Nino “KG” Canaleta mula sa Air21.

Inaprubahan kahapon ng PBA Commissioner’s Office ang pag-trade ng Express kay Canaleta sa Tropang Texters kapalit nina Sean Anthony, Eliud Poligrates at isang first round draft pick sa 2016.

Nag-average si Canaleta ng 16.5 puntos bawat laro para sa Express na maagang nagbakasyon ngayong Philippine Cup dahil sa 3-11 na panalo-talo.

Lalaro si Canaleta para sa Texters mamaya sa Game 1 ng quarterfinals kontra San Mig Super Coffee.

Sina Anthony at Poligrates naman ay lalaro na para sa Air21 sa Commissioner’s Cup simula sa unang linggo ng Marso.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Aleah Finnegan SEAG

Finnegan nasungkit ang pangalawang ginto sa SEA Games

BANGKOK — Muling pinatunayan ni Paris Olympian Aleah Finnegan na siya ang pinakamakinang na bituin …

Justin Kobe Macario SEAG

Macario, unang gintong panalo ng PH sa Thailand SEA Games

BANGKOK – Inihatid ni Justin Kobe Macario ang unang ginto para sa Pilipinas sa Southeast …

PH Womens Ice Hockey SEAG

PH Women’s Ice Hockey, Optimistiko sa SEA Games Gold Kahit Talo sa Thailand

BANGKOK — Naniniwala ang Philippine women’s ice hockey team na mayroon pa rin silang tsansa …

Godwin Langbayan Rajae Dwight Del Rosario SEAG

Godwin Langbayan, Nag-uwi ng Bronze sa Jiu-Jitsu Fighting Class ng SEA Games

BANGKOK — Tinalo ni Godwin Langbayan si Rajae Dwight Del Rosario, 21-16, sa isang all-Filipino …

PH taekwondo jins Poomsae SEAG

PH taekwondo jins, nasungkit ang silver sa men’s Poomsae team sa SEA Games

BANGKOK – Nakakuha ng unang silver medal para sa bansa ang mga Filipino taekwondo jins …