PISO-PISO DRIVE. Ibinigay ng mga miyembro ng iba’t ibang irrigation groups kay Senator Cynthia Villar, chair of the senate committee on agriculture, ang kabuuang P55,000 halaga ng piso na kinalap mula sa kanilang mga kasapi bilang pabuya sa mabilis na ikadarakip ng lahat ng rice smugglers, kabilang si David Tan, ang umano’y ‘Goliath’ sa rice smuggling. Bubusisiin ni Villar bukas (Enero 22, 2014) sa senate inquiry ang mga dahilan kung bakit patuloy ang rice smuggling at aalamin ang lahat ng mga sangkot sa ilegal na gawaing ito. Nasa larawan sina (mula kaliwa pakanan) Oscar Legaspi – Arya, Progresibo; Ofociano Manalo, President ng Confederation of Irrigators Association sa Region 1 at Rosendo So ng SINAG.
MAKATATANGGAP ng pabuya ang sino mang tetestigo o magpapatunay na si David Tan at David Bangayan ay iisang tao lamang, ang tinutukoy na nasa likod ng malaking rice smuggling sa bansa.
Ito ang P55,000 halaga mula sa piso-piso na pinag-ambagan ng mga miyembro ng Confederation of Irrigators Association mula sa Region 1.
Ayon kay Ofociano Manalo, Pangulo ng sama-han, ang naturang pondo ay kanilang nilikom upang gamitin bilang reward mo-ney sa sino mang maglalakas loob na tumestigo laban sa rice smuggling at iba pang illegal smuggling ng agricultural products hanggang tuluyang maparusahan ang mga nasa likod nito, na nagpapabagsak sa industriya ng agrikultura.
Tiniyak ni Manalo na maaaring madagdagan ang naturang halaga dahil sa kanilang patuloy na panganga-lap ng piso-piso laban sa illegal smuggling ng bigas.
Sinabi ni Senadora Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Agriculture, sumugod ang grupo sa Senado para ipakita na nais nila ng hustisya at nais labanan o sugpuin ang rice smuggling at iba pang uri ng smuggling sa bansa na lubhang nakaaapekto sa mga magsasaka.
(NIÑO ACLAN)