Sunday , December 22 2024

‘Hudyo’ tutol sa pagsikat ni Osang

011714_FRONT

MAAARING hindi mabago ng kanyang runaway success sa Israel’s first “X Factor” competition ang kapalaran ni Filipina caregiver Rose Fostanes sa Jewish state.

Inihayag ng Israeli official sa Agence France-Presse, na si Fostanes ay hindi mapahihintulutan na gamitin ang kanyang talent bilang professional singer sa Jewish state.

“She can only work as a carer, according to the law,” inihayag ng spokeswoman for Israel’s population and immigration authority sa AFP.

“Of course she can sing – anyone can do that – but not as a professional.”

Ito ay bagama’t binigyan si Fostanes ng recording contract makaraang manalo sa paligsahan.

Nanalo si Fostanes, isa sa milyon-milyong Filipino na nagtatrabaho sa abroad, sa television talent show nitong Martes makaraang awitin ang “My Way” ni Frank Sinatra, na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga sa dalawang bansa.

Pinuri sa local television, news websites, social media gayondin ng pangulo ang 47-anyos openly gay, na dalawang dekada nang nagtatrabaho sa abroad, kabilang ang anim  taon  sa  Israel,  upang suportahan ang kanyang pamilya.

“We know the situation she was in and we are very proud that she has again given the Philippines pride in the showcase of her talent,” pahayag ng spokesman ni Pangulong Benigno Aquino na si Edwin Lacierda.

“The Filipino has an innate advantage when it comes to the arts…. It clearly shows that the excellence of the Filipino can be expressed anywhere, everywhere, when they are given the opportunity to show their talent.”

Si Fostanes ay inihalintulad ng fans kay Susan Boyle, ang middle-aged Scottish singer na nagpamalas din ng kanyang talento sa pagkanta sa television talent show “Britain’s Got Talent” noong 2009.

Ang trabaho ni Fostanes ay pag-aalaga sa kanyang matandang amo sa Tel Aviv. Kabilang siya sa 10 milyong Filipino, na nagtungo sa abroad upang matakasan ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa sariling bansa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *