Monday , December 23 2024

Korean donations sa Manila kay Erap mapanganib

NAGBABALA at nanawagan ang isang concerned  group na mga mamamayan kay Manila Mayor Joseph Estrada na mag-ingat sa mga pambobola ng Koreans businessmen sa kanya at alok na libre o donasyon na mga  LED screens sa mga lamp post sa lungsod ng Maynila dahil sa posibleng mabigat na kapalit nito sa huli.

Ang Global Gold Inc., ay nangako kay Estrada na kanilang ipagkakaloob ng libre ang  kabuuang 10,000 lamp posts sa lungsod ng Maynila at bilang panimula ay nakatakda nilang simula ngayong gabi (Enero 17)  ang pagpapailaw sa 100 solar-powered LED lights sa Rajah Solaiman Park sa Manila.

Batay sa impormasyon ng grupo tinanggap ni Estrada ang alok na donasyon dahil sa bukod sa bankrupt ang lungsod ay isa din sa pangako nito noong kampanya ay palitan ang mga lamp post.

Tinukoy pa ng grupo na tila nakalimutan suriin ng mga tiga-lungsod ang background ng Global Gold dahil sa kanilang pagsisiyasat  natuklasan nila na naitayo at nabuo lamang ang  kumpanya nitong nakalipas na July 10, 2013 at bago lamang din ang mga empleyado nito matapos ang kanilang pag-uusap verbally ni Estrada.

Natuklasan pa ng grupo na ang Global Gold ay mababawi nila ang ginastos sa  kanilang donasyon at sila ay kikita  pa sa pamamagitan ng advertisement gamit ang mga LED screen sa 10,000 lamp post.

Ngunit ang mas pinangangambahan ng grupo na kanilang napag-alaman na gagamitin ang mga lamp post na ito ng mga Koreana upang sila ay makapag-usap sa kapwa nila Korean gamit ang kanilang lenggwahe.

Tinitiyak na magiging daan nila ang mga lamp post na ito para mailagay ang mga ads ng  Moonies isang religious group sa Korea.

Kilala ang Moonies sa paghihikayat sa mga taong hindi nila mananampalataya na ang hindi nila kapanalig ay pawang mga satanas at kailangan nila ang tulong ng mga pinuno ng Moonies na para sa grupo lubhang mapanganib.     (NIÑo Aclan)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *