Friday , November 22 2024

So nasa top spot

PUMAYAG makipaghatian ng puntos si Pinoy super grandmaster Wesley So kay Hikaru Nakamura ng USA upang makisalo sa top spot sa nagaganap na 76th edition ng Tata Steel Chess Tournament sa Wijk aan Zee, Netherlands, Lunes ng gabi.

Tinanggap ni So ang alok na draw ni No. 2 seed sa nasabing tournament, Nakamura (elo 2789) matapos ang 27 moves ng Queen’s Gambit Declined.

May total 1.5 puntos matapos ang round 2 ang 20-anyos na si So upang makasama sa unahan ang apat pang GMs na pinangunahan ni top seed GM Levon Aronian (elo 2812) ng Armenia.

Ayon kay seed No. 8 So (elo 2719), nasorpresa siya sa opening ni Nakamura subalit tama lang ang desisyon niyang makipag-draw dahil equal game lang ang laban nila.

“The game was exciting until the end, but I think in general I played a bit of a strange game at some point during the middle game I was afraid I was possibly getting outplayed, but then in the analysis somehow it seemed I was completely fine,” wika ni Nakamura sa interview sa website ng chess.

Pahayag pa ni So na nag-aaral sa Webster Universty na medyo nakakabawi na siya sa tulog at dahil sa tabla nito sa second round ay makakapagpahinga siya ng maaga para makaipon ng enerhiya sa event na may 12-players single round robin.

May jet lag at puyat si So nang manalo ito sa round 1 laban sa teenager na si GM Richard Rapport.

Bukod kina So at Aronian, ang ibang 1.5 pointers ay sina Nakamura, GM Sergey Karjakin (elo 2759) ng Russia at GM Anish Giri (elo 2734) ng The Netherlands.

Kinaldag ni Aronian si GM Fabiano Caruana (elo 2782) ng Italy sa 58 sulungan ng English Symmetrical habang pinulbos ni No. 7 seed Giri si GM Arkadij Naiditsch (elo 2718) ng Germany matapos ang 33 moves ng Bogo-Indian.

Nauwi sa tabla ang laban ni Karjakin kay Pentala Harikrishna (elo 2706) ng India sa 40 moves ng QGD.

Ginulat naman ni 17-year old Rapport (elo 2691) ng Hungary ang beteranong si GM Boris Gelfand (elo 2777) ng Israel sa 60 sulungan ng Budapest Gambit.

May 1 point sina Harikrishna, Rapport, Caruana at si GM Leinier Perez Dominguez ( elo 2754) ng Cuba matapos makipag-draw kay GM Loek Van Wely (elo 2672) ng host country sa 26 sulungan ng Sicilian dragon.

Nasa pang-10 si Van Wely hawak ang 0.5 puntos habang bokya pa rin sina Gelfand at Naiditsch.

Samantala, pagkakataon nang makabawi ni So kay Naiditsch dahil sila ang magkaharap sa round 3.

Isang talo at isang draw ang Pinoy kay Naiditsch.

Ang ibang round three pairings, kikilatisin ni Aronian ang pinakabatang Hungarian na naging GM na si Rapport habang hahanapin ni Gelfand ang unang panalo kontra kay Nakamura.

Tatangkain namang bumangon ni Caruana na haharapin si Karjakin at magpipisakan naman sina Dominguez at Harikrishna.

Laglagan naman ang dalawang pambato ng Netherlands na sina Van Wely at Giri. (ARABELA PRINCESS DAWA)

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *