NAGPAABOT ng paki-kiramay ang pamahalaang Filipinas sa pagpanaw ni former Israel Prime Minister Ariel Sharon.
Sa isang kalatas, tinukoy ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Raul Hernandez ang malaking papel na ginampanan ni Sharon sa pagsulong at pagpanatili ng kapayapaan.
“Philippines joins the government and people of Israel in mourning the passage of their former Prime Minister Ariel Sharon. He was a bold and vigorous leader in war and in peace. May his important contributions in the quest for peace be long remembered,” ani Hernandez.
Pumanaw si Sharon sa edad 85 anyos matapos ma-comatose simula pa noong 2006.
Nasa tabi ng dating li-der ang kanyang pamilya nang siya ay bawian ng buhay.
Sinabi ni Sheba Medical Center director Zeev Rotstein, hindi nila magawang ma-stabilize ang kidney ng dating prime minister dahil sa maselang kalagayan sa mga huling sandali ng buhay ng da-ting opisyal. Si Sharon na naging prime minister ng Israel simula 2001 hanggang 2006 ay na-stroke sanhi upang ma-comatose.
Si Sharon ang utak sa pagsalakay ng Israel sa Lebanon na ikinamatay ng daan-daang katao dahilan upang bansagan siyang “Butcher of Beirut.”
Nakipagkasundo siya kay dating Palestinian leader Yasser Arafat upang matigil ang Israeli-Palestinian violence, at isa siya sa masigasig noon sa pagsusulong ng kapayapaan sa Middle East.