Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arabo kinikilan ng pulis-MPD

PINAIMBESTIGAHAN ni Manila Mayor Joseph Estrada ang reklamo ng ambassador ng Saudi Arabia sa pangingikil ng ilang pulis-Maynila sa mga Arabong turista.

Inatasan ni Erap si Manila Police District–Chief District Director Staff  (MPD-CDDS) P/Senior Supt Gilbert Cruz, na makipag-ugnayan sa ambassador at alamin ang pagkakakilanlan ng 3 hanggang 4 na pulis na nakatalaga sa MPD-Station 5.

Sa ipinadalang liham sa alkalde ng Saudi Arabian ambassador, kasama sa mga inireklamo ang Station 6 ng Makati Police na nakipagsabwatan umano sa ilang indibidwal na kanilang ililigtas mula sa sinasabing pang-aabuso ng mga dayuhan at saka hihingi ng $1,000.00 hanggang $10,000, kapalit ng kalayaan ng inaakusahang turista.

Pinakahuli, ang kaso ng dalawang Arabo na sina Mr. Mustafa Abdullah Al Shantuity at Mr Fuad Abdullah Almohsin  na inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 5 sa reklamo ng isang babae na apat na araw nakisama sa isa sa mga turista sa isang hotel pero kalaunan ay naghain ng reklamong rape.

Ani Erap, binuhay niya ang kampanya laban sa tinaguriang hoodlums in uniform na una niyang ginawa bilang chair ng Presidential Anti-crime Commission, dahil kahiya-hiya ang ginagawa ng mga tiwaling pulis lalo’t ipinagmamalaki pa raw ng Department of Tourism na ‘it’s more fun in the Philippines.’

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …