Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasambahay ni Napoles pinalaya ng RTC

MALAYA na ang dating kasambahay ng kontrobersyal na reyna ng pork barrel scam na si Janet Lim Napoles.

Ito ay matapos isapinal ng Makati Regional Trial Court (RTC) ang desisyon na ibasura ang kasong qualified theft na inihain ng asawa ni Napoles na si Jaime at kapatid niyang si Reynald Lim laban kay Dominga Cadelina.

Ayon kay Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta, hindi na iniapela ng mga complainant ang desisyon ng Makati RTC na ipinalabas noong Oktubre 2013.

Nauna rito, inakusahan nina Jaime Napoles at Reynald Lim si Cadelina ng pagnanakaw ng US$13,400 halaga ng mamahaling bag, underwear at damit.

Ngunit sa desisyon ni Judge Carlito Calpatura ng Makati RTC Branch 145, sinabing nabigo ang prosekusyon na patunayan ang tinatawag na “element of taking” at “element of lack of consent” ng mga may-ari ng ninakaw na gamit.

Iniutos ng korte noong Oktubre ng nakaraang taon ang paglaya ni Cadelina matapos ang walong buwan pagkabilanggo kasunod ng pagkakabasura ng kaso laban sa kanya.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …