TINANGGIHAN ni Pa-ngulong Benigno Aquino III ang pagbibitiw ni Energy Secretary Jericho Petilla, na gustong lisanin ang kanyang puwesto bunsod ng kabiguang makamit ang target na ibalik ang koryente sa lahat ng lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda noong Disyembre 24.
Ito ang naging pasya ng Pangulo kahapon matapos makipagpulong kay Petilla sa Palasyo, batay sa pahayag ni Pre-sidential Spokesman Edwin Lacierda.
Aniya, kinikilala ng Punong Ehekutibo ang realidad na aabot sa tatlo hanggang anim na buwan maibabalik ang koryente sa mga sentrong bayan, lalo na’t napakalawak ng pinsala ni Yolanda, nasira ang koneksiyon ng Luzon-Visayas, gayondin ang malalaking geothermal plant sa Leyte, pati na ang generation, transmission at distribution lines.
“In the face of these challenges, the accomplishments of Secretary Petilla speaks for itself: First, from his original target of six months he was able to restore power in roughly 40 days. Second, within that period, Secretary Petilla was able to energize 317 out of 320 affected towns, leaving 0.93% still to accomplish,” ani Lacierda.
Dagdag pa niya, napakahusay ng nagawa ni Petilla at maging ang fo-reign observers ay nakita kung paano ang pagta-tarabho sa Visayas kom-para sa ibang bansa na tinamaan ng mas mahinang kalamidad, lalo na ang mabilis na pagkumpuni at rehabilitasyon ng mga energy infrastracture.
“For all these reasons, the President, in rejecting Secretary Petilla’s offer to resign, reiterated that he has no intention of losing the services of an honorable public servant,” giit ni Lacierda.
(ROSE NOVENARIO)