Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sariling bahay sinunog ng bangag na bebot

BUTUAN CITY – Pinaniniwalaang lasing at lulong sa bawal na gamot ang isang babae sa Cabadbaran City, Agusan del Norte, nang sunugin ang sarili nilang pamamahay.

Ayon kay PO3 Ferdinand Aguilar ng Cabadbaran City-Philippine National Police, nasa P50,000 ang danyos sa naabong bahay ni Cecilia Betonio Hanio, residente ng Purok 1, Brgy. Antonio Luna, Cabadbaran City, matapos itong silaban ng anak na si Jinky Jane Betonio Hanio kahapon.

Unang sinilaban ng suspek ang kurtina ng bintana sa bahay at dahil gawa lamang sa kahoy, madaling kumalat ang apoy.

Nadamay rin sa sunog ang isang kalapit na bahay ngunit partially-burned lamang ito.

Walang nasugatan sa insidente.

Ayon kay Aguilar, kasalukuyang nasa kustodiya ng Cabadbaran City Police Station ang suspek para harapin ang kaso matapos maghain nang pormal na asunto ang may-ari ng bahay na na-damay sa pagsunog sa bahay ng kanyang mga magulang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …