Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klitschko target maging ‘Undisputed Heavyweight Champion’

BERLIN – TARGET ni Vladimir Klitschko na maging kauna-unahang undisputed world heavyweight champion pagkatapos ng isang dekada.  Asam niya ngayon ang WBC crown na binitawan ng kanyang kapatid na si Vitaly.

Sa kasalukuyang panahon ay dinomina ng magkapatid na Klitschko ang heavyweight division pero nagkaroon sila ng kasunduan na huwag magharap sa ring kung kaya nahati nila ang lahat ng belt ng boxing bodies.

“It is obviously my aim to bring the WBC title back into the Klitschko family,” pahayag sa Germany ’s Bild newspaper ni Vladimir Klitschko, na tangan ang  WBO, WBA, IBF and IBO titles.

Kapag natangay pa ni Vladimir ang titulo ng WBC ay makukumpleto na ang lahat ng korona niya para tanghaling undisputed champion.

May layon din ang panalo niya na patahimikin ang lahat ng kanyang kritiko na nagsasabi na namimili lang silang magkapatid ng mga pipitsuging kalaban kung kaya namayagpag sila sa ring.

Nitong nakaraang Lunes ay binitawan ni Vitaly ang korona sa WBC para magkonsentra sa politika, pero  pinangalanan siyang “champion emeritus.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …