DALAWANG Filipino ang ikinulong sa Hong Kong sa kasong money laundering, ayon sa ulat ng Konsulado ng Filipinas.
Sa isang babala sa website nitong Disyembre 17, pinaalalahanan ng Consulate General ang mga Filipino sa Hong Kong na huwag hahayaang magamit ng ibang tao ang kanilang bank accounts sa pagpapadala ng pera.
“At present, two Filipinos are serving time in Hong Kong prisons for violating money laundering laws in Hong Kong,” sabi sa website.
Ngunit hindi naman agad ibinigay ng konsulado ang pangalan ng dalawang Filipino o ang sirkumstansya ukol sa pagka-aresto nila.
Nagbabala ang Consulate General sa mga Filipino na huwag agad magtitiwala sa mga tao na nakilala nila nang personal o sa Internet man at ibibigay ang kanilang mga bank account.
Hinikayat din ang mga Filipino na mag-ulat ng ano mang nalalaman nila kaugnay sa money laundering sa pamamagitan ng pagtawag sa Assistance to Nationals section ng konsulado sa numerong 9155-4023 o email [email protected].
HATAW News Team