Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Castro numero uno sa puntos

NANGUNGUNA ngayon ang off guard ng Talk ‘n Text na si Jason Castro sa scoring samantalang si Junmar Fajardo ang lamang sa rebounding, ayon sa pinakabagong mga statistics na na-release ng PBA kahapon.

Naga-average ngayon si Castro ng 21.4 puntos bawat laro samantalang kasunod sa kanya si Jay Washington ng Globalport na may 19.7 puntos bawat laro.

Bukod dito, sina Washington, Junmar Fajardo ng Petron at Greg Slaughter ng Barangay Ginebra ay ang tanging mga manlalaro na nag-a-average ng double double ngayong MyDSL Philippine Cup.

Naga-average si Washington ng 10.1 rebounds bawat laro samantalang nangunguna si Fajardo sa liga sa kanyang 17.4 rebounds bawat laro, bukod sa kanyang 14.6 puntos na average.

Dahil sa solidong laro nina Fajardo at Washington, nangunguna sa team standings ang Petron sa kanilang pitong sunod na panalo habang nagtala ang Globalport ng tatlong sunod na tagumpay upang umakyat sa 4-3 na marka.

Si Slaughter naman ay may averages na 13.8 puntos at 11.2 rebounds para sa Kings na may 5-1 panalo-talo sa torneo.

Samantala, napili ng PBA Press Corps si Alex Cabagnot ng Petron bilang Player of the Week para sa  linggong Disyembre 9 hanggang 15 dahil sa malaki niyang papel sa mga panalo ng Boosters kontra Air21 at Meralco.

Nag-a-average ngayon si Cabagnot ng 13.5 puntos, 5.5 rebounds at 6.5 assists.     (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …