Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Terminator’ ng estapador na drug pusher tiklo sa MPD

Arestado ng Manila Police District (MPD), ang dalawang suspek na pinaniniwalaang miyembro ng “gun-for-hire” at nasa likod ng serye ng pagpatay sa  mga ‘estapador’ na drug pusher  at kakompetensya sa pagbebenta ng ilegal na droga sa isinagawang Oplan Sita sa Tondo, Maynila, iniulat kahapon .

Sa ulat, aminado ang suspek na si Danilo Cesista, 33, porter,  ng Blk. 5, Port Area, Maynila, sa halagang P15,000 pataas, depende  sa klase ng taong ipatitira, ang ibinabayad sa kanila kada ulo.

Ayon kay PC/Supt. Isagani Genabe, Jr., director ng MPD, kasamang naaresto ang back-up ni Cesista, si  Ferdinand Aquino, 23, tricycle driver, ng 330 Gate 17, Parola Compound, Tondo, nang maaresto sila ni PSI John Guiagui, habang nagsasagawa ng Oplan Sita.

Nabatid na dakong 5:30 ng umaga nang  masakote ang dalawang suspek na nakompiskahan ng dalawang .9 mm na baril, dalawang sachet ng shabu at 31 live ammunition at dalawang cellphone.

Nabatid na huling biktima ng mga suspek ang isang Ricky Quebral, 30, ng Gate 20, Parola Compound, Tondo, Maynila.

Inaalam din ng pulisya kung ano ang kinaanibang grupo ni Cesista, dahil may nakakabit na sticker sa kanyang gamit na cellphone at  baril.

(l. basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …