Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang itatapon sa line-up ng Barangay Ginebra!

PARANG napakalalim ng bench ng Barangay Ginebra  at dahil dito ay hindi na naibababad nang husto ang mga itinuturing na superstars.

Isang halimbawa na lamang ang laro ng Gin Kings kontra sa Barako Bull noong Biyernes kung saan tila pahapyaw na lamang ang playing time ng Most Valuable Player na si Mark Caguioa.

Maraming nakapuna na halos hindi na nagamit si Caguioa sa second half. pero wala namang nagrereklamo. Kasi nga’y dominado ng Gin Kings ang laro at nagwagi sila.

E, si Dylan Ababou nga ay sa fourth quarter na lang naipasok ni coach Renato Agustin.  Puwede itong starter, hindi ba? Si Ababou ang nagbida sa kanilang unang panalo laban sa SanMig Coffee noong opening day.

Ang sigurado lang na babad nang husto ay ang mga higanteng sina Japhet Aguilar at Gregory Slaughter na siyang haligi ng koponan sa kasalukuyan.

Si Aguilar ang nagbida sa panalo ng Gin Kings kontra Talk N Text noong nakaraang linggo nang maipasok nito ang  isang three-point shot sa huling segundo.

Si Slaughter naman ang bida noong Biyernes kontra Energy nang siya’y gumawa ng 15 puntos  at humugot ng  15 rebounds.

Kapag nagpapahinga sina Aguilar at Slaughter ay ipinapasok ni Agustin sina Billy Mamaril at Jay-R Reyes. Nandiyan pa nga si Bran Faundo na hindi na halos naipapasok.   Pagkatapos ay nariyan pa ang mga tulad nina Mac Baracael at Chris Ellis na napapakinabangan ng husto kung puntusan ang pag-uusapan.

E, mayroon pa silang James Forrester na tila hinahanapan pa ng puwesto kung kaya’t hindi rin nabibigyan ng mahabang exposure.

Aba’y wala ka ngang itatapon sa line-up ng Barangay Ginebra!

SAbrina Pascua

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …