Tuesday , May 6 2025

P10-M car accessories nilamon ng apoy

UMAABOT sa P10 milyon halaga ng car accessories ang tinupok ng apoy sa isang bentahan ng mga piyesa ng sasakyan kahapon ng hapon, sa San Juan City.

Ayon kay Samuel Lioson, may-ari ng bentahan ng mga car accessories, nasa P10-milyon halaga ang tinupok ng apoy na hindi agad naagapan ng mga pamatay sunog na ideneklarang fire out dakong 3:25 ng hapon.

Ayon sa sekyu na si Reynaldo Moles, isang gawaan ng gulong sa ‘di kalayuan sa nasunog na gusali ay may naghihinang pero nagbara  ‘yung pang-welding kaya sumabog at nilamon ng apoy ang mga katabing establisyemento na hindi kinayang patayin ng mga nagrespondeng bombero.

Nailigtas ng mga bombero sa tiyak na kamatayan ang kambal na babae,  na nasa ikalawang palapag ng gusali.

Nabatid na ang may-ari ng nasunog na car accessories ay kagagaling lang sa Tacloban City kasama ng ilang grupong nagbibigay ng mga relief goods sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

(ED MORENO)

About hataw tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama …

Pamilya ko Partylist

Malasakit at puso ng Pamilya Ko Partylist ibinahagi

BAGAMA’T bumuhos ang malakas na ulan sa isang  subdivision sa Woodbridge sa Pandi, Bulacan hindi …

Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 …

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *