Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA coverage planong ibalik sa IBC 13

INAMIN ng tserman ng PBA board of governors na si Ramon Segismundo ng Meralco na maraming mga tagahanga ng liga ang  galit sa set-up ng Sports5 kung saan sa dalawang hiwalay na istasyon — TV5 at Aksyon TV 41 — pinapalabas ang mga laro.

Dahil dito, pinag-iisipan na ng PBA na muling ibalik ang laro sa IBC 13 ngunit ayon pa sa kanya, mahirap itong gawin.

Napilitan ang Sports5 na ilipat ang PBA sa TV5 at Aksyon TV dahil nalugi ito sa pagiging blocktimer sa IBC 13 dulot ng kulang sa commercial at mahinang signal ng huli dulot ng pagiging sequestered ng gobyerno.

Naunang sinabi ng pangulo at CEO ng TV5 na si Noel Lorenzana na nagbabalanse ngayon ang TV5 sa paglagay ng PBA sa primetime tuwing alas-8 ng gabi kapag Miyerkules at Biyernes.

Idinagdag ni Lorenzana na hindi puwedeng ipagpaliban ang ibang mga programa ng TV5 sa primetime kaya ibang oras ang inilagay sa PBA.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …