Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Sinasapian’ sa Agusan dumarami

BUTUAN CITY – Nagkasa ang mga magulang, mga guro at principal ng Datu Lipos Makapandong National High School gayondin ang local officials sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur, ng mga hakbang upang matapos na ang anila’y pagsapi ng  masasamang espirito sa mga estudyante na nagsimula nitong Biyernes, Disyembre 6.

Ayon kay Luzminda Pagalong, principal ng paaralan, mula sa 11 estudyanteng babaeng na-possess ng masasamang espirito nadagdagan pa ang bilang na umabot na sa 23.

Pinangangambahan na baka dumami pa ang masasapian kung hindi maaagapan.

Inihayag ni Pagalong na nagpapatawag na ng espiritista para sa “exorcism” ang kanilang lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Jose Cuyos upang mapalayas ang mga espiritong pumasok sa kanilang mga estudyante.

Nais din nilang malaman kung ano ang sadya ng masasamang espirito para hindi na mangyari pang muli.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …