Friday , November 15 2024

DoF Usec Sunny Sevilla, Customs OIC

ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III kahapon si Finance Undersecretary John “Sunny” Sevilla bilang Officer-in-Charge (OIC) ng Bureau of Customs matapos magbitiw nitong Lunes si Commissioner Ruffy Biazon.

Pansamantalang lilisanin ni Sevilla ang posisyon bilang Department of Finance (DoF) Undersecretary for the Corporate Affairs Group and Privartization na kanyang hinawakan mula pa noong 2010.

Unang nagsilbi sa gobyerno si Sevilla sa administrasyong Arroyo bilang Undersecretary for Privatization mula 2006 hanggang 2007.

Nauna rito, naging executive director siya sa investment bank na Goldman Sachs, at associate director at sovereign rater para sa credit rating agency Standard and Poors.

Nagsilbi rin siya bilang Chief Operating Officer ng Synergeia foundation, isang non-profit organization na may adbokasyang ayusin ang public education sa Filipinas.

(ROSE NOVENARIO)

DENR SEC. PAJE ‘DI PINALUSOT NG CA

HINDI na naman lumusot sa makapangyarihang Commission on Appointment (CA) si Environment Secretary Ramon Paje.

Kahapon ng umaga sumalang si Paje sa Committee on Environment ng CA para sa kompirmasyon ng kanyang pagiging kalihim.

Ngunit ang inaasam-asam na kompirmasyon ay hindi naigawad kay Paje.

Bunga ito ng oposisyon ni dating DENR secretary at ngayon ay Zamboanga del Sur Gov. Antonio Cerilles.

Ayon kay Cerilles, sa pamamagitan ng isang Special Ore Extraction Permit (SOEP) na inisyu ng DENR, napahintulutan ang operasyon ng isang mining company na hindi kwalipikado.

Ngunit depensa ni Paje, sa kanyang panunungkulan ay wala siyang natatandaan na naglabas sya ng SOEP at kailanman ay hindi siya maglalabas nito.

P32.8-M kontrabando nasabat ng Customs sa MICP

Nasabat ng Intelligence Group ng Bureau of Customs (BoC) ang limang container vans ng kontrabando na may kabuuang halagang P32.8 milyon na tinangkang ipuslit sa Manila International Container Port (MICP).

Kabilang dito ang dalawang containers ng cellular phones mula China, nagkakahalaga ng P3 milyon, idineklarang wearing apparel ng consignee na Megabytes Marine Resources.

Nasabat din ang dalawang containers ng sibuyas mula China na may halagang P2.8 milyon, naka-consign sa Nolman Commercial at idineklarang ice candy.

Hindi rin  nakalusot ang mga sigarilyo na nagkakahalaga ng P25 milyon mula Hongkong at idineklarang household wares at mga damit mula South Korea, nagkakahalaga ng P2 milyon na naka-consign sa Era Pottery.

Magkatuwang na ininpeksyon nina resigned Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Comm. for Intelligence Jesse Dellosa ang mga kontrabando.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *