Monday , November 25 2024

Wala sa timing si BIR commissioner Kim Henares

NAG-ARAL kaya  ng music itong si BIR Commissioner Kim Henares?

Aba’y wala kasi siya sa TIMING.  Habang kumakanta kasi ng pagbubunyi ang sambayanang mahilig sa boksing sa pagkakapanalo ni Manny Pacquiao laban kay Bam Bam Rios noong nakaraang Linggo, iba ang kanyang kinakanta.

Sukat ba namang salubungin ng paniningil ng BIR ang nagdiriwang pang si Pacman.  Hayun, imbes na pag-usapan ng madla ang masarap na pagbabalik ni Pacquiao sa limelight ng boksing—ang utang kuno sa tax ng Pambansang Kamao ang pinag-uusapan sa apat na sulok ng Pilipinas.

Pananaw tuloy ng sambayanan na kontrabida itong si Henares.  Siyempre pa, pati ang kanyang boss na si PNoy.

Medyo nag-aalala kasi ngayon ang mga eksperto sa boksing na maapektuhan na naman ang boxing career ni Pacquiao sa lumabas na isyu ng tax.  Alam mo naman ang boksing—kailangang kondisyon ang utak mo sa pagharap sa kalaban.

Sa tingin n’yo kaya hindi naapektuhan ang mental conditioning ni Pacman sa problemang kinakaharap?

Ang kinakabahala ng lahat ay may itinakda nang petsa sa susunod na laban ni Pacman.  Sa Abril na iyon.   E, baka hindi pa maresolbahan ang problema ni Pacman—malamang na matagilid ang kondisyon ng utak ng ating Pambansang Kamao.

0o0

Nagtataka lang tayo sa ating pamahalaan.   Kung sa ibang bansa, nagbabayad pa sila ng milyong-milyong dolyares sa komersiyal para lang makilala ang kanilang bansa para dayuhin ng mga turista…samantalang tayo, sa katauhan ni Pacman ay libre na ang komersiyal natin para ipakilala sa buong mundo ang ating bansa—parang ayaw pa nilang kilalanin iyon?

Hindi natin sinasabi na dapat nang paligtasin si Pacquiao sa kanyang obligasyon sa tax.  Doon tayo bilib kay Henares na walang sinisino pagdating sa paniningil ng tamang buwis.  Pero gaya nang sinabi natin—dapat lang sigurong palagpasin muna ang init ng selebrasyon ng panalo ni Pacquiao kay Rios.

Dinadama pa iyon ng mga sambayanan.   Hayan tuloy, nagmumukha kayong kontrabida sa pananaw ng mga Pilipino.

Alex Cruz

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *