Friday , November 22 2024

Organized vending program aprub kay Erap

INILUNSAD ang organisadong vending program na kabilang sa mga plano ni Mayor Joseph Erap Estrada sa Divisoria, Maynila kamakailan.

Nakapagtitinda na sa tamang oras at may sukat na ang tindahan ng ilang vendor na sumunod sa alituntunin ng pamahalaang lokal ng lungsod.

Base sa isang tumata-yong vendor organizer sa lugar, ang ilan sa kanilang kasamahan sa pagtitinda na kumuha at nagbayad ng  special permit sa Manila City Hall ay  makapagtitinda  na  sa kani-kanilang mga puwesto.

Inorganisa ng grupo ni Carolina Francisco ng Samahan ng Maliliit na Manininda sa Divisoria ang epektibo at sistematikong vending program alinsunod sa utos ng lokal na pamahalaan.

Isa sa mga programang sinoportahan ng grupo ay ang Tent Vending Program gamit ang iisang uri ng tent at sukat na nababase sa city ordinance.

Ipinaubaya naman  ni Mayor Estrada kay City Admin  Atty. Samuel Garcia ang maayos na pakikipag-ugnayan ng mga vendor sa kanyang tanggapan.

Nagbigay rin ng 24-oras hotline si Estrada na maaaring tawagan ng grupo ng samahan ng mga manininda kapag mayroong mang-abuso sa kanila.

Samantala, malaking kalitohan para sa maliliit na sniper vendors ang itinayong grupo na USVDAI na minamandohan ni 1st District Councilor Dennis Alcoriza, dahil hinihikayat lamang ng isang Sgt. Jimmy Soriano para maging miyembro, ang mga vendors na mayroong malalaking puwesto sa lugar.

Nanawagan ang ilang sniper vendors na dapat imbestigahan  ang kalakaran na ginagawa ni Soriano dahil sa paniningil nito para umano sa Manila City hall at MPD.

(BRIAN GEM BILASANO)

About hataw tabloid

Check Also

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Bulacan Police PNP

Pulis sugatan sa ops, pagkilala inirekomenda  ni Gob. Fernando

KASALUKUYANG nagpapagaling sa pagamutan ang isang police officer na lubhang nasugatan sa isang police operation …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *