Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kelot nagbigti dahil sa LQ

NAGBIGTI ang isang lalaki matapos ang mainitang pakikipagtalo sa menor de edad na live-in  partner sa Brgy. Ibaba, Malabon City.

Patay nang idating sa Pagamutang Bayan ng Malabon (PBM)  si James Bryan Soledad, 18-anyos, quality control ng Liwanag Candle at naninirahan sa #112 Dulong Herrera St., Brgy. Ibaba ng nasa-bing lungsod.

Sa imbestigasyon nina PO3 Jun Belbes at PO1 Benjamin Sy, Jr., dakong 7:30 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabigti sa loob ng kanilang bahay.

Ayon sa ulat, nakita ng kanyang inang si Eloida Soledad, 44, na nakabigti si James Bryan, gamit ang nylon cord na itinali sa biga ng kanilang bahay.

Ayon sa report, bago ang insidente ay narinig na nakikipagtalo ang biktima sa live-in partner na si Elaine Abrasaldo sa hindi malamang dahilan na labis umanong dinamdam ng biktima.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …